Nakapag-uwi ng medalya ang apat na dance group ng bansa sa ginanap na World Hip Hop Dance Championship sa Phoenix, Arizona.

Nakakuha ng bronze medal ang grupong Kindred at Silver naman sa grupong Fusion sa Megacrew Divsion na ang nagwagi dito ay ang grupo mula Mexico na The Jukebox.

Nagtapos sa bronze medal ang grupong The PEEPZ sa Adult division na ang nagwagi dito ay Cbaction ng Argentina.

Pumangalawa naman ang grupong Kingsmen ng bansa sa Varsity Division na nagwagi dito ay ang Kana-Boon ng Japan.

Mayroong kabuuang siyam na koponan na binubuo ng 150 delegado ng Pilipinas.

Nagtulong-tulong ang mga Filipino-Americans sa Arizona para mabigyan ng tuluyan, pagkain at masakyan ang mga lumahok na Pinoy group.

Ito na ang pangalawang beses na nagsagawa ang Arizona ng pinakamalaki at respetadong street-dance competition sa buong mundo.

 

 

Full Story: http://www.bomboradyo.com/4-na-dance-group-sa-bansa-wagi-sa-world-hip-hop-dance-championship-sa-arizona/